Modyul 1: Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos
Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos
Ang pang-abay ay ang
bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa pandiwa,pang-uri,at
maging sa kapwa nito pang-abay. Sa Ingles, ito ay tinatawag na adverb.
⮚
Basahin
at pag-aralan ang mga sumusunod na pangkat ng pangungusap.
- Matiyagang tinulungan ni Ysabelle ang kaniyang kapatid sa pagbuo ng puzzle.
2. Dahan-dahan siyang lumusong sa ball pool.
●
Sa unang
pangungusap, paano tinulungan ng bata ang kaniyang kapatid sa pagbuo ng puzzle?
Sagot:
matiyaga
Ano ang
inilalarawan ng salitang matiyaga?
Sagot:
tinulungan
●
Sa ikalawang pangungusap, paano siya
lumusong sa ball pool?
Sagot:
dahan-dahan
Anong
inilalarawan ng salitang dahan-dahan?
Sagot: lumusong
Ang
mga salitang matiyaga at dahan-dahan ay naglalarawan ng mga kilos na
tinulungan at lumusong. Ang mga ito ay halimbawa ng pang-abay na pamaraan. Ang Pang-abay na Pamaraan ay
naglalarawan kung paano ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos. Sumasagot ito sa
tanong na paano.
⮚
Basahin
at pag-aralan ang mga sumusunod na pangkat ng pangungusap.
1.Ang
kanilang mag-anak ay pupunta sa Olongapo City upang mamasyal.
2.Nagpadulas
siya sa padulasan.
●
Sa unang
pangungusap, saan pupunta ang mag-anak upang mamasyal?
Sagot: sa Olongapo City
Ano ang
binibigyang turing ng lugar na Sa
Olongapo City?
Sagot: pupunta
●
Sa ikalawang pangungusap, saan siya
nagpadulas?
Sagot: sa
padulasan
Ano
ang binibigyang turing ng lugar na sa padulasan?
Sagot: nagpadulas
Ang mga sagot sa
tanong na sa Olongapo City at sa
padulasan ay mga salitang
nagsasaad kung saan naganap ang kilos. Sa unang pangungusap, isinaad rito na
ang kilos na pupunta ay magaganap sa Olongapo City. Sa ikalawang pangungusap, isinaad
rito na ang kilos na nagpadulas ay
naganap sa padulasan. Ang
sa Olongapo City at sa padulasan ay
mga halimbawa naman ng pang-abay na panlunan. Ang
Pang-abay na Panlunan ay tumutukoy sa lugar na
pinangyarihan ng isang kilos. Sumasagot ito sa tanong na saan.
⮚
Basahin
at pag-aralan ang mga sumusunod na pangkat ng pangungusap.
1.Maagang
nagising si Ysabelle ngayon.
2.Sasakay
sila sa bisikleta mamaya.
●
Sa unang
pangungusap, kailan nagising nang maaga si Ysabelle?
Sagot: ngayon
Ano
ang binibigyang turing ng salitang ngayon?
Sagot:
nagising
Sa
ikalawang pangungusap, kailan sila sasakay sa bisikleta?
Sagot: mamayaAno
ang binibigyang turing ng salitang mamaya?
Sagot: sasakay
Ang
mga sagot sa tanong na ngayon at mamaya ay mga
salitang nagsasad kung kailan naganap ang kilos na nagising at sasakay. Ang
mga salitang ngayon at mamaya
ay mga halimbawa ng pang-abay na pamanahon. Ang Pang-abay na Pamanahon ay nagsasaad kung kailan
naganap o magaganap ang kilos.
Sumasagot ito sa tanong na kailan. Ngayong may sapat ka ng
kaalaman sa paggamit ng pang-abay sa paglalarawan ng kilos, maaari mo ng gawin
ang mga susunod na gawain.
Comments
Post a Comment